Month: Oktubre 2025

PUSONG NALIWANAGAN

Noong 2001, may isang sanggol na ipinanganak na kulang ang buwan. Gayon pa man, nabuhay ang sanggol na iyon. Pinangalanan siyang Christopher Duffley ang umampon sa kanya. Nang apat na taon na si Christopher, napansin ng isang guro na kahit bulag siya at may autism, napakaganda naman ng boses niya. Anim na taon ang lumipas, tumayo si Christopher sa entablado…

PAG-ASA SA MGA SUGATAN

“Maraming tao ang may sugat na hindi natin nakikita." Sinabi ito ng isang manlalaro sa Major League Baseball na si Andrelton Simmons. Nagbitiw si Simmons mula a kanyang team bago magtapos ang regular season ng palaro noong 2020. Ang dahilan? Mental health struggles o mga pagsubok sa pag-iisip. Dahil sa kanyang pinagdaanan, napagdesisyunan ni Simmons na ibahagi ang kanyang kuwento upang magbigay ng lakas…

PANG-HABAMBUHAY

Narinig mo na ba ang #slowfashion? Pinasikat ang hashtag na ito para labanan ang industriyang tinatawag na “fast fashion.” Binubuo ang fast fashion ng mga murang damit na madaling palitan. Mga damit na mabilis mawala sa uso kaya mabilisang tinatanggal sa merkado.

Sa kabilang banda, layunin naman ng slow fashion movement na hikayatin ang mga taong huwag laging makisabay sa uso. Na hindi…

HINDI SAPAT

Sa kanyang librong The Great Influenza, isinalaysay ni John M. Barry ang 1918 flu epidemic (epidemya ng trangkaso) sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ayon kay Barry, nagbabala na noon ang mga ekspertong maaaring magkaroon ng epidemya. Dahil ito sa libu-libong pulutong ng mga sundalong palipat-lipat ng lugar at nagsisiksikan saanman sila magpunta. Subalit hindi pinansin ang kanilang babala. Ipinagpatuloy pa…

PILIIN MONG MAGING MASAYA

Ilang linggo matapos pumanaw ang isang kaibigan, nakausap ko ang kanyang ina. Alumpihit akong magtanong ng, “Kumusta ka na?” Baka hindi tamang tanong; nagluluksa kasi siya. Pero nilabanan ko ang aking kaba at kinumusta siya. Ito ang kanyang simpleng sagot: “Pinipili kong maging masaya.”

Hindi ko akalaing ako pa ang mapapatatag ng kanyang mga salita. Dahil nang panahong iyon, may…